𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘, 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗖𝗢𝗥𝗣𝗢𝗥𝗔𝗧𝗘 𝗙𝗔𝗥𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠

Isang libong mga magsasakang pangasinense ang magiging benepisyaryo ng Provincial Corporate Farming Program (PCF) ng Provincial Government of Pangasinan para sa kasalukuyang dry cropping season.

Mula ang mga benepisyaryong ito sa iba’t ibang farmer cooperatives at associations sa anim na congressional districts ng probinsya.

Ilan sa mga malalaking proyektong nasa ilalim g nasabing programa ay ang rice production, corn production, high-value crop production, and fishery production.

Layon nitong maiangat pa ang produksyon ng pagkain, mataas pa ang kita sa pagsasaka at sustainable economic enterprise sa pamamagitan ng pagsulong pa sa mga farmer cooperatives at associations sa probinsya.

Ang naturang programa lamang para mapahusay ang produksyon ng pagkain kundi bilang isang suporta sa food sufficiency thrust ng pambansang pamahalaan sa ilalim ng Masagana Program for Agriculture. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments