𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗬𝗧𝗛𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗔. 𝗕𝗔𝗥𝗕𝗔𝗥𝗔

Natagpuan ng isang tindero isang python nang bigla itong mahulog mula sa ceiling sa isang pampublikong pamilihan sa bayan ng Sta. Barbara.

Matapos mahuli ay dinala ito sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Dagupan para sa tamang disposisyon.

Matatandaan na nauna nang naiulat ang natagpuan ding dambuhalang pinagbalatan ng ahas sa katabi nitong bayan at patuloy pa rin nakaantabay ang mga town officials sa posibleng pinamamalagian ng naturang ahas.

Sa kaugnay na balita, pinaalalahanan ang publiko sa maaaring maging encounter sa mga naglalabasang ahas dahil sa nararanasang init ng panahon. Maging ligtas at agad ipagbigay alam sa awtoridad upang makapagbigay ng agarang aksyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments