𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗩𝗜𝗖𝗘 𝗠𝗔𝗬𝗢𝗥 𝗔𝗦𝗣𝗜𝗥𝗔𝗡𝗧 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗜𝗡𝗜𝗔𝗧𝗥𝗔𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗗𝗜𝗗𝗔𝗧𝗨𝗥𝗔

Cauayan City – Iniatras ng isa sa mga aspirants ng May 2025 Local and National Elections ang kanyang kandidatura bilang Vice Mayor sa lungsod ng Cauayan.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team kay Cauayan City Election Officer Atty. Johanna Vallejo, umurong sa pagtakbo bilang bise alkalde ng lungsod si Marlo Padaca.

Matatandaang si Padaca rin ang pinakahuling nagfile ng Certificate of Candidacy noong huling araw ng Filing of COC, ika-8 ng Oktubre.


Sa kasalukuyan, dalawang kandidato na lamang ang magtutunggali sa pagka-bise alkalde sa lungsod para sa May 2025 Midyear Elections, ito ay ang kasalukuyang Kapitan ng Brgy. Cabaruan na si Benjie Dy at si Diosdado “Diosding” Ramirez.

Facebook Comments