𝗜𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬, 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗜

Patay ang isa katao habang kasalukuyang inoobserbahan ang dalawang kasamahan nito matapos silang maaksidente sa bayan ng Bani.

Ang biktima ay nakilalang si Carlito Quinan na siyang driver ng motor habang sugatan ang mga angkas nito na nakilalang sina Denmark Nara at Vence Quinan mga residente ng Brgy. Ranao sa nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon sakay ng motor ang mga biktima ng magkamali kalkulasyon ang driver na si Quinan sa palikong bahagi na dahilan upang bumAngga sila puno ng narra roon.

Dahil dito ay magtamo ng matinding sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival si Quinan habang inoobserbahan pa ang mga kasamahan nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments