𝗜𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗦, 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗦𝗜𝗞𝗟𝗢 𝗦𝗔 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡

Patay ang isang lalaki matapos salpukin ang sinasakyang motorsiklo ng pampasaherong bus sa Brgy. Bangaoilan, Bangar, La Union.

Ang nasawi ay Isang electrician at residente ng Sudipen, La Union.

Ayon sa pulisya, magkasunod ang dalawang sasakyan nang mag-overtake ang bus ngunit biglang kumaliwa ang motorsiklo dahilan upang masalpok ito.

Nahulog sa motorsiklo ang biktima na nagtamo ng matinding sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Mabilis na nai-sugod sa pagamutan ang biktima ngunit Idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments