𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗗𝗔𝗠𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗜𝗠𝗕𝗔𝗞 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗣𝗨𝗧𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗡𝗔𝗪 𝗡𝗔

PUMANAW NA ANG ISA SA MGA BIKTIMA SA NAGANAP NA PAGSABOG KAMAKAILAN SA BARANGAY MALUED, DAGUPAN CITY.

KINILALA ANG BIKTIMANG SI REYMUNDO LAZARO, 38-ANYOS KUNG SAAN SIYA AY NAIMBITAHAN LANG UMANO UPANG MAKIPAG-INUMAN NGUNIT ITO ANG KANYANG SINAPIT KUNG SAAN ISINALAYSAY NG KANYANG AMA NA SI LODOVICO LAZARO NA MATINDING SUGAT ANG TINAMO NG BIKTIMA DAHILAN DIN NG AGARAN NITONG PAGPANAW.

LABIS-LABIS NGAYON ANG PAGDADALAMHATI NG NAIWANG PAMILYA NG BIKTIMA.

SAMANTALA, BASE SA DATOS NG AWTORIDAD, PUMALO NA SA DALAWAMPU’T-ISA NA BAHAY NA ANG NAPAG-ALAMANG MAY SIRA DAHIL SA PAGSABOG.

SA NGAYON, PATULOY NA INOOBSERBAHAN AT GINAGAMOT ANG TATLONG IBA PANG BIKTIMA SA PAGSABOG.

GAYUNDIN ANG MALALIMANG IMBESTIGASYON SA INSIDENTE KUNG SAAN NAKATAKDANG KASUHAN ANG SINUMANG MAPAPATUNAYANG LUMABAG SA PATAKARAN. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments