Muling nagpaalala ang pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) kaugnay sa pagpaparehistro ng mga hindi registradong sasakyan.
Ito ay sa kabila ng napipintong istriktong pagpapatupad ng ‘No Registration No Travel’ Policy.
Sa ibinahagi ng LTO region 1 magiging mahigpit ang implementasyon ng nasabing kautusan na mag-uumpisa sa susunod na buwan kung saan ay para din sa kapakanan ng mga motorista ang nasabing vehicle registration.
Nag-isyu na, anila ng, memorandum ang kanilang central office kaugnay sa mahigpit na implementasyon nito kung saan ang mga mahuhuling mga hindi registradong sasakyan ay may multa na sampung libong piso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments