Kinumpirma sa IFM News Dagupan ni San Carlos City Mayor Julier βAyoyβ Resuello na plano nilang dalhin sa national office ng Department of Education (DepEd) ang isyu kaugnay sa umanoβy koleksiyon ng tatlong daang piso sa mga estudyante para sa stage play doon.
Ilan kasi sa mga concern dito ayon sa alkalde ay bakit sa bayan ng Calasiao pa gagawin ang nasabing palabas kung kayaβt ipinatawag sa Sangguniang Panlungsod ang Schools Division Superintendent ng San Carlos.
Kasama pa rito ang pagtatanong kung bakit kailangan magkaroon ng koleksiyon kung may kautusan sa DepEd na βNo Collection Policyβ.
Ayon Kay Mayor Resuello, malaking bagay na aniya ang tatlong daang piso para sa isang simpleng mamamayan Lalo na kaya nag punta public schools ang mga estudyante upang makakuha ng libreng edukasyon.
Sa ngayon, nakatakdang idulog sa Regional at National office ng DepEd ang nasabing isyu. |πππ’π£ππ¬π¨