𝗞𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗗𝗔𝗗, 𝗜𝗕𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗘Ñ𝗢𝗦

Ibabahagi ang isang pagsasanay sa mga Dagupeños ukol sa mga kaalaman na nakapaloob sa usapin ng kahandaan laban sa anumang kalamidad na posibleng mangyari.

Alinsunod dito ang pagsasagwa sa darating na January 17 ng Information Education Campaign and Community-based Risk Reduction and Management Training Workshop na pangungunahan ng mga concerned agencies ng lokal na pamahalaan ng Dagupan.

Kabilang ang mga barangay councils, SK Federation, DepEd Schools principals, Religious Groups at iba pang mga lipon sa lokalidad ng Dagupan City sa magiging kalahok sa nasabing pagsasanay.

Layon nitong maihanda at mabigyan ng nararapat na kaalaman ang mga Dagupeños partikular sa tukoy na mga aksyon at hakbangin sakaling maranasan ang anumang natural calamities. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments