𝗞𝗔𝗔𝗡𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗬 𝗘𝗩𝗔𝗟𝗘𝗡𝗗 𝗦𝗔𝗟𝗧𝗜𝗡𝗚, 𝗜𝗚𝗜𝗡𝗜𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗔𝗡𝗔𝗡

Mariing iginiit ng kaanak ng pamilya ni Reynald Caracas, ang itinuturing na suspek sa pagpatay kay Evalend Salting sa na wala itong kasalanan.

Sa naging panayam ng IFM News Team sa ilang kaanak ng suspek, si Reynald ay isang mabuting anak at kapatid sa pamilya nito kaya’t kwestyonable na gagawin ang krimen.

Diumano, si Reynald ay may kapayatan kaya’t hindi nito magagawa ang mga paratang sa kaniya.

Iginiit din nila na hindi tugma ang mga nakitang pasa sa katawan ng biktima sa hubog ng katawan ni Reynald.

Dahil dito, nananawagan ang pamilya na sana ay mapakinggan ang kanilang panig para mapatunayan kung sino nga ba talaga ang NASA likod ng karumal dumal na krimen.

Kinasuhan na ang suspek ng Rape with homicide. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments