Ikinaalarma ng iba’t ibang government agencies sa buong bansa ang mga natanggap nitong bomb threats, noong lunes, partikular na ang nasa pitong tanggapan sa Metro Manila at ang dalawang eskuwelahan sa Bataan at Zambales.
Ang naturang Bomb Threat ay kumalat sa pamamagitan ng e-mail na nakapangalan diumano sa isang Abogadong Hapon na si Takahiro Karasawa, ayon sa PNP. Patuloy pa rin hanggang ngayon ang imbestigasyon na isinasagawa ng PNP ukol sa tunay na pagkakakilanlan ng nagpapakalat ng naturang bomb threats.
Samantala, dahil sa mga natanggap na bomb threats, pansamantalang nahinto ang operasyon ng lahat ng opisina ng Social Security System (SSS) sa buong bansa, kabilang na ang tanggapan nito sa Dagupan.
Paalala naman ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) Pangasinan, na sa pagkakataong makatanggap ng bomb threat ay panatilihin ang pagiging kalma, ireport ito agad sa awtoridad, huwag hahawakan ang kahit anong kahina-hinalang mga gamit, at lumayo sa lugar na pinaghihinalaang may bomba. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨