𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Kasalukuyang isinasagawa ngayon ang iba’t-ibang road projects sa bayan ng Calasiao.

Sa ngayon, isinasaayos ang bahagi ng Mancup road, kung saan ang pangunahing daanan ng mga papunta sa bayan ng Malasiqui at lungsod ng San Carlos. Layunin ng nasabing proyekto na mapaluwag ang daanan upang hindi magkaroon ng malalang congestion ng mga sasakyan, lalo na sa tuwing sumasapit ang rush hour.

Ang proyekto sa bahagi ng nasabing bayan ay target na matapos sa Nobyembre ngayong taon.

Samantala, sa Poblacion, ang dating lokasyon ng puto stalls ay isinasaayos na upang maging sidewalk. Kung saan lalagyan ito ng ilaw at railings at nang mapalawak pa ang nasabing daanan.

Pabor naman ang ilang mga nagagawi roon para sa kaligtasan ng mga dumadaan lalo na ang mga estudyante roon. Ayon naman sa DPWH, nakatakdang matapos ang nasabing proyekto sa ika-18 ngayong buwan. | 𝙞𝙛𝙢 𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments