Wednesday, February 4, 2026

β€Žπ—žπ—”π—œ 𝗦𝗒𝗧𝗧𝗒, π— π—¨π—Ÿπ—œπ—‘π—š π—‘π—”π—šπ—£π—”π—¦π—œπ—žπ—Ÿπ—”π—• 𝗦𝗔 𝗝𝗔𝗣𝗔𝗑 π—•π—”π—¦π—žπ—˜π—§π—•π—”π—Ÿπ—Ÿ π—Ÿπ—˜π—”π—šπ—¨π—˜

β€ŽCauayan City – Muling nagpakitang-gilas si Kai Sotto sa Koshigaya Alphas matapos gumaling sa ACL injury, kung saan nagtala siya ng 20 points at 14 rebounds kasama ang dalawang assists at isang block upang pangunahan ang kanyang team sa panalo nilang 81-80 kontra Levanga Hokkaido.
β€Ž
β€ŽIpinakita ni Sotto ang kanyang determinasyon at husay sa court, ilang buwan matapos sumailalim sa operasyon at rehabilitation.
β€Ž
β€ŽNakabawi rin ang Alphas mula sa pagkatalo sa parehong koponan sa nakaraang laro, at ipinakita ni Sotto na handa na muli siyang magbigay ng impact sa court.
β€Ž
β€ŽSamantala, magandang balita rin ito para sa Gilas Pilipinas, na makakaasa na sa serbisyo ni Sotto sa FIBA World Cup Asian Qualifiers laban sa malalakas na koponan tulad ng Australia at New Zealand.

β€Ž β€Ž—————————————
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž
β€Ž#idol
Facebook Comments