Sinuri ng Department of Health Ilocos Region ang ipinatutupad na hospital development plans ng ilang DOH-accredited at district hospitals sa Pangasinan at La Union para sa pagpapatupad ng ng sistema ng Universal Health Care.
Ayon kay DOH Regional Director Paula Paz Sydiongco, bagaman may improvement sa mga plano na inilahad ng mga ospital, nakitaan pa rin ito ng kakulangan base sa Philippine Health Facility Development Plan 2040.
Paglalahad ng opisyal, umabot sa higit 78 na primary health care facilities at 501 beds ang mga level 1 at level 2 hospitals sa Pangasinan habang 14 na PCF at 136 beds naman sa La Union.
Binigyang-diin ni Sydiongco ang kahalagahan na masolusyonan ang mga nabanggit na kakulangan upang mapabuti pa ang health care system at local health facilities sa mga lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨