π—žπ—”π—Ÿπ—”π—›π—”π—§π—œπ—‘π—š π—¦π—”π—žπ—’ π—‘π—š 𝗠𝗔π—₯π—œπ—π—¨π—”π—‘π—”, π—‘π—”π—§π—”π—šπ—£π—¨π—”π—‘ 𝗦𝗔 π—œπ—Ÿπ—’π—š 𝗦𝗔 π—žπ—”π—Ÿπ—œπ—‘π—šπ—”

CAUAYAN CITY- Sa halip na isda ay isang kalahating sako ng marijuana ang natagpuan ng isang mangingisda sa Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, isang concerned citizen na nagtatrabaho sa flood control project sa Chico River ang nangingisda sa ilog nang matagpuan ang mga iligal na gamot.

Ang naturang sako ay naglalaman ng labing-walong (18) bricks ng marijuanaΒ leaves at stalks na nakabalot sa isang transparent na tapeΒ na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit dalawang milyong piso.


Ang imbentaryo ay minarkahan sa presensya ng mga barangay officials at dinala ang mga narekober na ebidensya sa Tabuk City Police Station para sa dokumentasyon.

Facebook Comments