𝗞𝗔𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗬𝗢𝗣 𝗦𝗔 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡, 𝗜𝗚𝗜𝗡𝗜𝗜𝗧

Muling iginiit ng Provincial Government ng La Union ang responsibilidad ng mga pet owners sa mga alagang hayop na apektado rin tuwing may bagyo.

Ayon sa tanggapan, maaring i-report sa mga lokal na pamahalaan o himpilan ng kapulisan ang pang-aabandona o pang-aabuso sa mga alagang hayop.

Ito ay bahagi ng responsible pet ownership o pagbibibigay ng karampatang pag-aalaga sa mga hayop sa gitna ng kalamidad na nakasaad rin sa Philippine Animal Welfare Act of 1998.

Patuloy na hinihikayat ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga residente na huwag iwanang nakatali o nakakulong ang mga alagang hayop upang mailigtas din ang kanilang sarili.

Matatandaan na kabilang ang lalawigan sa mga lugar sa Region 1 na apektado ng storm surge dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine. Dahil dito, ilang bayan ang nakapagtala na ng evacuees dahil sa malawakang pagbaha at iniwan ang kanilang tahanan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments