𝗞𝗔𝗟𝗬𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗟𝗔𝗞𝗕𝗔𝗬 𝗔𝗥𝗔𝗟 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚

Sa pagdiriwang ng ika-32nd National Children’s Month sa buong bansa, isang makabuluhang programa ang hatid ng Department of Social Welfare Development Field Office 1 – Ilocos Region para sa mga Children in Street Situation (CiSS) sa bayan ng Manaoag, Pangasinan.

 

Sa ilalim ng programang KalyeSkwela nabigyan ng bagong kaalaman ang mga kabataan sa bayan habang ang Lakbay Aral naman ay may layuning magkaroon ng karanasan at kaalaman sa iba’t ibang lugar at institusyon.

 

Malaking tulong ang naturang programa upang mas nahubog at mailayo ang mga ito sa karahasan na alinsunod sa tema ng selebrasyon ngayong taon na “Break the Prevalence, End the Violence; Protecting Children, Creating a Safe Philippines. “

 

Nabigyan din ng Educational Assistance ang mga bata sa isinagawang programa upang may magamit ang mga ito sa kanilang pag-aaral. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments