Nilahukan ng mga kabataan mula sa Ilocos ang usapin ukol sa West Philippine Sea sa naganap na general assembly na pinangunahan ng Philippine Navy at Naval Staff for Civil-Military Operation sa katauhan ng Naval Forces Northern Luzon.
Tinalakay sa naganap na pulong ang mga kaganapan sa nananatiling territorial dispute sa West Philippine Sea, gampanin ng mga kabataan o ang Empowering the Youth: Advocacy and Action for the WPS, maging ang kahalagahan ng katotohanang impormasyon na nakapaloob sa naturang usapin. Ito ay nakaayos sa YESWPS o ang Youth Empowerment Society for the West Philippine Sea and other Maritime Security Challenges na may layong makapagtapos ng kamalayan pagdating sa pakikibahagi ng mga kabataan ukol sa ilang isyu na kinakaharap ng bansa.
Samantala, higit anim na raang mga kabataan at kawani ang nakilahok sa naturang pulong kasunod ng pagdaos sa Maritime Archipelagic Nation Awareness Month (MANAMO) ng National Maritime Center at National Youth Commission. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨