𝗞𝗔𝗠𝗣𝗔𝗡𝗬𝗔 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗜𝗔𝗚𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬

CAUAYAN CITY-Isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ng Santiago ang Kaisaka Kontra Droga sa Komunidad sa ilalim ng BIDA (Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan) Program.

Ang nasabing kampanya ay bahagi ng selebrasyon sa International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking na may temang: “The evidence is clear, Invest in prevention”.

Adhikain nito na pigilan ang paglaganap ng iligal na droga sa Lungsod ng Santiago upang maiwasan ang mga hindi magandang dulot nito.


Bukod dito, nais ring iparating ng programa ang masasamang epekto ng ipinagbabawal na gamot nang sa gayon ay hindi na tatangkain pang gumamit o masangkot sa droga ang mga Santiagueños.

Facebook Comments