𝗞𝗔𝗠𝗣𝗔𝗡𝗬𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗘𝗖𝗢-𝗔𝗪𝗔𝗥𝗘𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚

Patuloy na isinusulong ang kampanya para sa eco-awareness at pagkakaroon ng mas maganda at masaganang kapaligiran lalo na sa mga mag-aaral sa lungsod ng Dagupan.
Nagtanim ng cacao seeds ang mga guro at estudyante mula sa Dagupan City National High School para sa kanilang PAGCOR garden.
Ayon kay Dagupan City Schools Division Superintendent Rowena Banzon, naglalayon at isinisulong ng pagtatanim na ito ng mga guro at estudyante ang pagbibigay importansya sa sustainable agriculture at environmental conservation.
Dagdag pa nito na may iba’t-iba ring makukuhang masusustansyang benepisyo mula sa pagtatanim ng cacao.
Ang mga guro naman sa naturang paaralan, patuloy na hinihikayat ang mga estudyante na makibahagi at magtanim rin sa tuwing may ginaganap na tree-planting activities.
Samantala, sa pagtatanim na ito ay ibinahagi rin ang kahalagahan at adbokasiya ng naturang proyekto.
𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments