𝗞𝗔𝗠𝗣𝗔𝗡𝗬𝗔 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗦𝗔𝗙𝗘𝗧𝗬, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗟𝗧𝗢 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭

Patuloy na isinusulong ng Land Transportation Office Region 1 ang ukol sa pagbibigay halaga ng publiko pagdating sa road safety sa rehiyon.

Dahil sa nakakaalarmang bilang ng road incidents sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon tulad na lamang sa isang bahagi ng Calasiao Pangasinan, mas pinaiigting ngayon ng LTO ang kanilang pagbibigay libreng serbisyo sa theoretical driving course sa mga kabataan.

Nito lamang, nabigyan ng pagkakataon ang mga shs students sa Manaoag ukol sa theoretical driving course.

Dito ituro ang mga makabuluhan usapin gaya ng driving laws, traffic signs, vehicle control techniques, defensive driving strategies, at iba pang mahahalagang usapin na naglalayong makapagbahagi ng pagiging responsableng driver. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments