𝗞𝗔𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗦𝗨𝗕𝗦𝗜𝗗𝗬

CAUAYAN CITY- Muling nabiyayaan ng tig-sampung kilo ng bigas ang bawat pulis sa Lalawigan ng Isabela para sa buwan Hunyo taong kasalukuyan.

Kamakailan lamang ay nakatanggap rin ng bigas ang kapulisan maging ang kanilang pamilya kung saan personal itong ipinamahagi ni Governor Rodito Albano III.

Kaugnay nito, taos pusong nagpasalamat naman si Provincial Director PCol Lee Allen Bauding sa ipinagkaloob ng Pamahahalaang Panlalawigan ng Isabela sa buong kapulisan ng Isabela dahil malaking tulong ito sa kanilang gastusin.


Bukod dito, bilang pasasalamat rin ay kanilang pagbubutihin ang kanilang serbisyo para sa ikakabuti ng bawat Isabeleños.

Facebook Comments