Cauayan City – Naging matagumpay ang isinagawang Supplemental Feeding Program ng PNP Santiago na kaugnay sa Bagong Pilipinas na ginanap sa Brgy Mabini at Brgy Divisoria sa lungsod ng Santiago nitong ika-27 ng Pebrero, taong kasalukuyan.
Ang programa ay pinangunahan ni Police Captain Hassan Nor D. Damac kasama ang lahat ng kasapi ng kapulisan at mga opisyales.
Isinagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng maiksing pagtuturo tungkol sa “Safe and Bad Touch” sa halos (100) isandaang mag-aaral mula sa Kindergarten.
Ito ay upang maiwasan ang maaaring pang-aabuso sa mga bata.
Sinundan naman ito agad ng feeding program para sa mga mag-aaral, guro at magulang.
Layunin ng aktibidad na ito na palawigin ang ugnayan ng kapulisan sa komunidad at maging inspirasyon sa mga bata.
Sa pamamagitan umano nito ay magagabayan ang mga mag-aaral ukol sa kanilang karapatan at kung paano protektahan ang kanilang mga sarili laban sa pang-aabuso.