Thursday, February 5, 2026

‎𝗞𝗔𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗚𝗨𝗘𝗚𝗔𝗥𝗔𝗢, 𝗡𝗜𝗟𝗜𝗡𝗔𝗪 𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗥𝗜𝗙𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗘𝗨𝗩𝗘𝗥 𝗜𝗦𝗦𝗨𝗘 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗚𝗨𝗘𝗚𝗔𝗥𝗔𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗥𝗢𝗧𝗢𝗡𝗗𝗔


‎Cauayan City – Nilinaw ng Tuguegarao Component City Police Station (TCCPS) na walang naganap na drifting maneuver sa rotonda ng lungsod, taliwas sa kumakalat na video sa social media.

‎Agad na inimbestigahan ng kapulisan ang insidente matapos itong i-report sa Command Center ng Tuguegarao.

‎Batay sa masusing pagsusuri ng CCTV footage mula sa Command Center, lumitaw na ang sasakyang tinutukoy sa video ay mabagal lamang na umikot sa rotonda nang ilang beses at hindi nagsagawa ng drifting.

‎Bilang bahagi ng beripikasyon, nakipag-ugnayan din ang TCCPS sa Land Transportation Office (LTO) Tuguegarao upang tiyakin kung may kaugnay na paglabag o rekord ukol sa insidente.

‎Kung matatandaan, una nang naglabas ang LTO ng 90-days license suspension para sa driver ng sasakyan.

‎Samantala, patuloy ang koordinasyon ng pulisya sa mga kinauukulang tanggapan upang matiyak ang katotohanan ng mga ulat.

‎Nangako ang TCCPS na magbibigay ng karagdagang impormasyon sa publiko sa sandaling may mga bagong detalye na makalap.

‎Source: Tuguegarao Component City Police Station/FB

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments