Bibiyahe ang karagdagang 18 modernized jeep sa lungsod ng Dagupan matapos itong pasinayaan kahapon na pinangunahan ng Land Transportation Office.
Ang mga jeep ay may rutang Dagupan City-Mapandan via Mangaldan;Manaoag-Mapandan-San Jose; at Manaoag – Urdaneta.
Ang paglulunsad ng karagdagang modernized jeepney at parte pa rin ng programa ng pamahalaan sa pagsusulong ng PUV modernization para sa kaligtasan ng mananakay.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa na ng validation ang kooperatiba ng PUVs sa Dagupan City sa mga driver at operator na makikinabang dito.|πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments