𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗩𝗜𝗗-𝟭𝟵 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗦𝗨𝗠𝗜𝗣𝗔

Sumipa nang hanggang 13 ang naitalang kaso ng COVID-19 ng tanggapan ng Dagupan City Health Office (CHO).

Ayon kay Dra. Ophelia Rivera ng Dagupan CHO, naitala nila ang naturang bilang ngayong buwan ng Mayo.

Dahil dito, pinaplano muling buksan ang pagbabakuna sa mga mamamayan. Ngunit, ayon sa DOH-Ilocos Region, hinihintay muna nila ang direktiba na nagmumula sa DOH central office.

Samantala, ipinag-utos din kamakailan ng Sangguniang Panlungsod ang pagsusuot ng facemask sa iba’t ibang tanggapan ng lungsod.

Kaya naman, todo ang pagpapaalala ngayon ng awtoridad ng ibayong pag-iingat lalo na at mayroong banta ng bagong variant na FLIRT Variant, na diumano’y mabilis kumalat ngunit hindi kasing delikado ng mga iba pang variant. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments