๐—ž๐—”๐—ฆ๐—ข ๐—ก๐—š ๐——๐—˜๐—ก๐—š๐—จ๐—˜ ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—จ๐—ž๐—จ๐—ฌ๐—”๐—ก, ๐—ฃ๐—จ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—ข ๐—ก๐—” ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ ๐Ÿฎ๐—›

Pumalo na sa halos dalawang daan (200) ang naitalang kaso ng Dengue sa lalawigan ng Pangasinan sa unang mga buwan pa lamang ng taong 2024, ayon sa pinakahuling datos ng Pangasinan Provincial Health Office.

Matatandaan na nauna nang naitala ang nasa pitumpu’t-isa (71) na bilang ng kaso ng suspected dengue nito lamang buwan ng Enero ngayong taon.

Hanggang nito lamang February 12, nadagdagan at naitala ang kabuuang bilang na isang daan, walumpoโ€™t-apat (184) cases, mas mataas ng 28% kumpara noong nakaraang taon.

Ayon sa PHO, karamihan sa mga biktima ay mga batang nasa edad sampu hanggang labing-apat na taong gulang.

Alinsunod sa tumataas na kaso ay hinimok ang publiko na panatilihing malinis ang paligid nang maiwasan ang maaaring pagdami ng mga pinagbabahayan ng mga lamok.

Paalala pa ng health authorities na ugaliing magpakonsulta sa pinakamalapit na mga ospital at health centers sakaling makaranas ng mga sintomas ng Dengue, at huwag hintaying humantong sa malalang kondisyon na maaari pang magdulot ng pagkamatay. |๐™ž๐™›๐™ข๐™ฃ๐™š๐™ฌ๐™จ

Facebook Comments