𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗟𝗢 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗢

Pumalo na sa higit isang libong kaso ng dengue ang naitala ng Provincial Health Office (PHO) sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa tala ng PHO, mula January 1 hanggang nito lamang Hulyo, nakapagtala ng kabuuang isang libo, isang daan at labing-isang kaso (1, 111) ng naturang sakit kung saan mas mataas ito ng dalawampung porsyento (20%) kumpara sa bilang nito noong nakaraang taon.

Ilan sa mga bayan na may kaso ng dengue ay ang mga munisipalidad ng Anda, Aguilar, Bani, Binmaley, Bolinao, Bugallon, Labrador, Lingayen, Mangatarem, Urbiztondo, Sual at Alaminos City.

Matatandaan na nagpamahagi na rin ng ilabg kagamitang pang sugpo sa mga breeding grounds ng dengue carrier ang health authorities upang maiwasan ang pagtaas ng kaso.

Patuloy na pinag-iingat ang mga Pangasinense sa bantang posibleng maidulot ng sakit lalo na ngayong panahon na ng tag-ulan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments