𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗙𝗟𝗨𝗘𝗡𝗭𝗔-𝗟𝗜𝗞𝗘 𝗗𝗜𝗦𝗘𝗔𝗦𝗘𝗦, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦

Inaasahan na ng Department of Health-Center for Health Development. 1 ang pagtaas ng influenza-like illnesses ngayong nararanasan na ang malamig na panahon.

Ayon kay CHD 1 Spokesperson, Dr. Rheuel Bobis, tumataas umano ang kaso ng mga influenza-like diseases tuwing tag-lamig.

Nakahanda ang mga ospital sa rehiyon upang matugunan ang mga kaso nito.

Ilan lamang sa influenza-like diseases ay ang asthma at pneumonia.

Payo ng awtoridad na sakaling makaranas ng sintomas tulad ng mataas na lagnat, ubo at sipon ay sumangguni agad sa pagamutan at palakasin ang resistensya.

Ipinaalala gayundin ay ang pagpapanatili ng malakas na resistensya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments