𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗕𝗔𝗡𝗦𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡

Tinututukan ng health authorities ang kaso ng stunting o pagkabansot sa mga bata sa Ilocos Region.

Ibinahagi ni R1MC Consultant Nutritionist Catherine Velasco, prayoridad ngayon ang mga solusyon at interbensyon laban sa problemang malnutrisyon.

Aniya, ang pangunahing dahilan ng pagkabansot ay ang kakulangan ng protina at calories.

Matatandaan na patuloy na isinusulong ang Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) 2023-2028 ng National Nutrition Council o NNC na naglalayong mabawasan matugunan ang lahat ng anyo ng malnutrisyon sa pamamagitan ng vaccination, feeding programs, pagtataguyod sa food production tulad ng backyard at community gardening. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments