Mas mababa ngayon ang kaso ng rabies sa rehiyon kung ikukumpara umano noong nakaraang taon sa parehong panahon ayon sa Department of Health – Center for Health Development Region 1.
Ayon kay DOH Region 1 Medical Officer IV Dr. Rheuel Bobis, sa pinakabagong tala nitong June 2024, nasa labing apat ang naitalang kaso ng rabies sa buong rehiyon uno.
Pinakamaraming kasong naitala ay sa pangasinan kung saan may siyam na kaso ng rabies habang dalawang kaso sa la union, dalawa sa Ilocos Norte, at isa sa Ilocos Sur.
Ayon rin kay DOH Region 1 Regional Director Paula Paz Sydiongco, dapat na samantalahin ang pagpapabakuna ng mga alagang hayop sa mga isinasagawang free anti-rabies vaccination programs nang sa gayon ay maiwasang maging biktima ng rabies dahil wala pang lunas para rito.
Sa ngayon, ibayong pag-iingat sa lahat ng klase ng sakit na maaaring makuha tuwing tag-ulan din ang paalala ng Department of Health Region 1. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨