๐—ž๐—”๐—ฆ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ฅ๐—”๐—•๐—œ๐—˜๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—–๐—”๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก, ๐—ง๐—”๐—ฅ๐—š๐—˜๐—ง ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐—•๐—”๐—•๐—”๐—œ๐—ก ๐—ก๐—š ๐—”๐—•๐—ง๐—–-๐—ฃ๐—›๐—ข ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ



โ€ŽCauayan City – Target ng Animal Bite Treatment Centerโ€“Provincial Health Office (ABTC-PHO) ng Cagayan na mabawasan ang bilang ng mga kaso ng rabies exposure sa 2026 sa pamamagitan ng pinaigting na rabies awareness at pagsusulong ng responsableng pag-aalaga ng mga alagang hayop.

โ€ŽBatay sa tala ng ABTC-PHO, mahigit 20,000 indibidwal ang nabakunahan noong 2025 dahil sa kagat at kalmot ng aso at pusa. Ayon kay Rabies Coordinator Shamon De Yro, karamihan sa mga insidente ay dulot ng mga asong at pusang gala.

โ€ŽBinigyang-diin ng PHO ang kahalagahan ng regular na pagpapakain, pagbabakuna, at pagkontrol sa paggalaw ng mga alagang hayop upang maiwasan ang kagat. Palalakasin din ang koordinasyon sa Provincial Veterinary Office para sa information education campaign kontra-rabies sa mga paaralan at barangay.

โ€ŽInamin ni De Yro na may kakulangan pa rin sa pagpapatupad ng Anti-Rabies Act sa ilang lugar, ngunit tiniyak na sapat ang suplay ng libreng bakuna kontra-rabies sa mga bite center at health facility sa buong lalawigan.

โ€ŽSource: Cagayan PIO
Photo: for illustration only
————————————–

โ€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,ย www.rmn.ph/985ifmcauayan.

โ€Ž#985ifmcauayan
โ€Ž#idol
โ€Ž#numberone
โ€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments