Mahigpit na tinututukan ngayon ng City veterinary office ang kaso ng rabies sa lungsod ng Dagupan bilang isa ito mga viral na sakit na kung hindi maagapan ay hindi na magagamot pa.
Nagbigay payo ngayon ang city veterinary office na kung sakali man ana makagat ng mga alagang hayop tulad ng aso o pusa ay maagang magpakonsulta sa doctor para agad na maagapan.
Mas mainam rin umano kung kukunin na ang mga pagkakktaon sa tuwing may mga anti-rabies vaccination na magaganap malapit o sa mismong mga barangay para nang sa gayon ay tuluyan na pa-prevent ang banta ng rabies.
Samantala, taun-taon ay umiikot at nagsasagawa ang city veterinary office ng anti-rabies vaccination program sa bara-barangay sa lungsod ng Dagupan para makapag-provide ng libreng vaccination mga alagang hayop. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨