𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗧𝗘𝗘𝗡𝗔𝗚𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗚𝗡𝗔𝗡𝗖𝗬 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦

Nababahala ngayon ang lokal na pamahalaan ng Mangaldan sa pagdami ng mga kabataang maagang nabubuntis o kaso ng teenage pregnancy sa bayan.

Labing isang taong gulang ang pinakabata sa naitalang kaso na di umanoy nabuntis ng isang 26 anyos na lalaki mula sa La Union. Sa datos ng Municipal Health Office, 95 na ang menor de edad na nabuntis sa bayan sa loob ng pitong buwan.

Noong 2023, naitala ang 156 na kaso ng teenage pregnancy sa bayan.

Dahil dito, nakatakdang isagawa ang Sexually, Healthy and Personally Empowered (SHAPE) Peer Counseling Training ngayong buwan para sa mga kabataan na tumatalakay sa adolescent development.

Layunin nito na maipaunawa ang epekto ng maagang pagbubuntis at hikayatin ang mga kabataan na maging tagapagtaguyod ng sexual awareness.

Ayon sa mga doktor, delikado ang pagbubuntis ng mga menor de edad dahil hindi pa lubos na mature ang kanilang katawan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments