𝗞𝗔𝗧𝗔𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗣𝗔, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡

Cauayan City – Kasalukuyan pa ring pinaghahanap ng mga awtoridad ang katawan ng isang lolo na pinaniniwalaang nalunod nito lamang ika-25 ng Hulyo sa sapa sa bahagi ng Malalinta, Tuao East, Cagayan.

Ayon sa Task Force Lingkod Cagayan-Quick Response Team Tuao, pauwi na umano sa kanilang tahanan kasama ng kanyang asawa ,ang biktimang si Marcial Fronda, 60-anyos, residente ng Brgy. Palca, Tuao ng biglang maputol ang tulay na kahoy sa nabanggit na sapa dahilan upang mahulog ito.

Bagama’t kaagad na humingi ng saklolo ang asawa ng biktima matapos ang insidente, hindi na nila nakita pa ang katawan nito sa lugar kung saan ito nahulog.


Samantala ayon sa asawa ng biktima, nasa impluwensya umano ng nakalalasing na inumin ang lolo kaya’t pinaniniwalaan nito na matapos mahulog ay posibleng tinangay ito ng mabilis na agos ng tubig at hindi na nagawang makalangoy pa.

Facebook Comments