𝗞𝗔𝗧𝗜𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬, 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗚𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢

Aksidenteng nakuryente ang 39 anyos na biktima, residente ng Brgy. Dinalaoan, Calasiao kinilala bilang si Rudy Paragas.

Naganap ang insidente sa ginagawang bahay na pagmamay-ari ni Andrea Lafiguera.

Ayon sa salaysay ng mga witness na pawang pintor at gumagawa sa bubong ng bahay nang mangyari ang insidente, pinapanood pa umano sila ng biktima habang nagtatrabaho nang bigla itong madulas at aksidenteng mahawakan ang high-tension wire na ikinabit sa bahay.

Bumagsak sa sahig ang biktima matapos magtamo ng paso sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Naitakbo naman agad ito sa pagamutan at kasalukuyang nagpapagaling. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments