Bilang pakikiisa sa pangangalaga ng kalikasan, , isinagawa ang kauna-unahang Sustainability forum sa buong Region 1 sa SM Urdaneta City, Pangasinan, kahapon.
Humigit kumulang 700 estudyante ang dumalo sa forum na mula sa probinsya at La Union.
Ayon kay SM Mall Manager Abraham Malicdem, parte umano ito ng kanilang layunin na maprotektahan ang kalikasan sa apat na aspeto-Water Conservation, Waste Management, Renewable Energy and Air Quality.
Katuwang sa naturang programa ang Commission on Higher Education o CHED sa pagpapalaganap ng adhikain upang makamit ang Sustainable Development Goals.
Ilan pa sa mga naimbitahan sa programa ay ang DTI, DENR, at DA. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments