Kaunting pag-ulan ang patuloy na mararanasan sa lalawigan ng Pangasinan ngayong buwan.
Ito ay batay sa pinakahuling inilabas na pagtataya ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nasa 41% to 80% o Below Normal Condition ang inaasahang patuloy na mararanasan ng probinsya.
Sa nagdaang mga araw, Easterlies ang patuloy na nakakaapekto dito.
Nakakaranas din ng mga pag-uulan na may kasamang mga pagkulog at pagkidlat ang iba’t-ibang bahagi ng lalawigan pagsapit ng hapon at gabi base sa inilalabas ng Thunderstorm Advisory ng DOST-PAGASA. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments