Nagsama-sama ang mga broadcaster sa Pangasinan at volunteers sa isinagawang clean-up drive sa bahagi ng Brgy. Isidro Norte, Binmaley Beach Pangasinan.
Pinangunahan ng Kapisanan ng Broadcaster ng Pilipinas (KBP) Pangasinan Chapter ang naturang proyekto at Barangay Council ng San Isidro Norte.
Pinagtulungang linisin ng humigit kumulang dalawang-daan volunteers ang tabing dagat dala-dala ang walis, dustpan at sako.
Binigyang diin ng isang opisyal ng KBP Pangasinan Chapter na si Noel Emmanuel Sibayan na maganda ang adhikain ng pagsasagawa ng mga ganitong aktibidad upang mas lalong dayuhin ang nasabing lugar na itinuturing na tourist spot na nakakatulong na sa kalikasan maging sa kalusugan ng isang indibidwal.
Hinihikayat naman ng Brgy Isidro Norte Officer na si Bayaw Melchor Cuarteros, na itapon sa basurahan ang kanilang mga kalat.
Ayon naman kay Richard Dela Cruz residente at volunteer ng clean up drive, mainam umano na malinisan ang tabing dagat sapagkat ito ang kanilang pinagkukunan ng kabuhayan.
Layunin ng clean up drive na isulong ang pagtutulungan sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng kapaligiran at makahikayat rin na maging kaugalian ng bawat isa ang tamang pagtatapon ng basura.
Karamihan sa mga nakolektang basura ay mga plastik, bote, lata, pinagbalatang pagkain at marami pang iba. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨