𝗞𝗜𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗗𝗜𝗪𝗔 𝗢𝗡 𝗪𝗛𝗘𝗘𝗟𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗕𝗔’𝗧-𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗟𝗢 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝟭𝟰 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡

Pumalo na sa higit 14 milyon ang kita ng Kadiwa on Wheels na isinasagawa sa iba’t-ibang lugar sa lalawigan ng Pangasinan.

Nasa limamput walong kadiwa stores ang naitayo dito kung saan higit dalawamput isang libo ang naitalang customers dito.

Benepisyaryo sa naturang Kadiwa on Wheels ang mga magsasaka,mangingisda at maliliit na negosyante at kooperatiba dahil direkta nilang nailalako ang kanilang produkto sa consumers.

Ang Kadiwa on Wheels ay proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan bilang pagsuporta sa kasalukuyang programa ng gobyerno na Kadiwa ng Pangulo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments