Suspendido ang klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Dagupan City ngayong araw dahil sa posibleng pagbaha.
Sa inilabas na Executive Order. No, 53 ng Pamahalaang Panlungsod, maaring maranasan ang pagbaha sa mga barangay ngayong araw dahil sa high tide, pagpapakawala ng dam at ulan na dala ng Bagyo.
Nakasaad din dito ang patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig ng kailugan sa lugar na maaring maging dahilan sa pahirapang transportasyon ng mga mag-aaral.
Samantala, nagsimula nang mamahagibng relief packs ang LGU sa mga residenteng apektado ng bagyo.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments