𝗞𝗟𝗔𝗦𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗗𝗜𝗗𝗢 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪

Muling sinuspinde ang klase sa Pangasinan ngayong araw, September 04, 2024 bunsod pa rin ng nararanasang epekto ng Habagat na pinalalakas ni Bagyong Enteng.

Ito ay sa bisa ng inilabas na Executive Order No. 0095, Series of 2024 na nilagdaan ni Governor Ramon V. Guico III, na nagsasaad na walang pasok sa lahat ng antas sa parehong pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan.

Saklaw nito ang pagbibigay diskresyon sa mga lokal na pamahalaan at mga pribadong kumpanya kung nais magpatupad ng suspensyon sa trabaho.

Sa lungsod ng Dagupan, kanselado rin ang klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan bagamat may pasok na ang mga empleyado ng lokal na gobyerno.

Patuloy pang mararanasan ang mga pag-uulan sa lalawigan at nakaantabay naman ang awtoridad sa mga posibleng pagresponde sa mga nangangailangan ng tulong. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments