𝗞𝗟𝗔𝗦𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗞𝗔𝗡𝗦𝗘𝗟𝗔𝗗𝗢

Kanselado na ang klase sa lalawigan ng Pangasinan ngayong araw, September 17, 2024.

Ito ay sa bisa ng pinirmahang Executive Order No. 0102, series of 2024 ni Gov. Ramon Guico III, bunsod ng nararanasang epektong dulot ng Bagyong Gener at Hanging Habagat.

Saklaw ng kautusan, diskresyon ng bawat lokal na pamahalaan kung isususpinde ang trabaho sa gobyerno, at mga pribadong kumpanya naman para sa kanilang empleyado.

Inaasahan namang magdadala ang bagyo at habagat ng mga pag-uulan sa lalawigan ng Pangasinan ngayong araw.

Samantala, pinapayuhan ang publiko na maging alerto sa posibleng bantang maidulot nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments