𝗞𝗢𝗡𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗦 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗔𝗕𝗜𝗔𝗡

Patay ang isang treinta y nuebe anyos na bus conductor matapos itong makuryente sa bayan ng San Fabian.

Ang biktima ay nakilalang si Crisanto Cristobal residente ng nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon, nasa kanilang terminal ang biktima pasado alas siyete ng gabi nang nagpaalam sa mga kasama doon na magpahinga muna sa kanilang Barracks.

Makalipas ang ilang minuto ay nakita na lang na nakahandusay ang biktima kung saan ay nakitang nakahawak ito sa Isang live wire na konektado sa isang portable electric fan doon.

Agad naman humingi ng tulong ang mga katrabaho ng biktima at agad na isinugod sa pagamutan ito subalit idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments