𝗞𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔𝗛𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦

Ilang araw na lamang ay matatapos na ang konstruksyon ng mga pangunahing kakalsadahan na itinataas at ginagawan ng drainage system sa lungsod ng Dagupan.

Ilan sa mga kakalsadahan na ito ay ang bahagi ng Calarin at Tranquilino-Siapno Road, Brgy. Malued going to Old de Venecia Road, at Tapuac – Lucao.

Sa isinagawang inspeksyong ni Mayor Belen T. Fernandez at ng City Engineering Office, tiniyak ng mga ito kung nasusunod ang mga specifications sa pagsasagawa ng naturang road project upang hindi na ito tuluyan pang maantala.

Ang 460 linear meter na road project ay pinondohan ng P15 million bilang bahagi ng flood mitigating measures ng lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments