𝗞𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔 𝗔𝗧 𝗗𝗥𝗔𝗜𝗡𝗔𝗚𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗖𝗔𝗟𝗠𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗔

Inumpisahan na ang pagsasagawa sa konstruksyon ng mga kalsada at drainage sa Barangay Calmay, Dagupan City lalo na sa mga bahagi kung saan may matinding nakararanas pagbaha tuwing may kalamidad at high tide.

Sa ipinaskil na signage sa bahagi ng barangay hall ng naturang barangay, nakasaad na mula ang proyekto sa hanay ng DPWH – Pangasinan II Engineering Office ayon sa Commission on Audit.

Nagkakahalaga naman ng nasa higit apat na milyong piso o ₱4, 680, 001.64 ang pondo ng naturang proyekto.

Ang ilang residente pabor sa naturang konstruksyon ngunit umaasang agaran itong matapos nang sa gayon ay hindi nakakaabala sa araw-araw nilang pamumuhay.

Target umanong matapos ang naturang konstruksyon sa lalong madaling panahon para maiwasan ang abala sa mga residenteng nagtatrabaho at mga estudyanteng pumapasok. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments