Umaasa ang ilang motorista na mas mapapabilis ang konstruksyon sa pagpapataas ng Tapuac Road sa Dagupan City ngayong ilang araw ng walang pag-uulan sa lungsod.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 1, naantala ang konstruksyon ng mga kakalsadahan dahil sa pag-uulan.
Ang naturang kalsada ay nakakaranas ng pagbigat ng daloy ng trapiko tuwing rush hour.
Ayon naman sa ilang motorista, titiisin na lamang umano nila ito kaysa maranasan ang mataas na baha.
Ilan pang konstruksyon ng kalsada sa lungsod ang naantala tulad na lamang sa Perez Boulevard corner MH Del Pilar St.
Anila, tatambakan na umano sana nila ito ngunit hindi natutuloy dahil sa sunod-sunod na bagyo. Ngayong araw o bukas ay maari na nila itong gawin.
Determinado naman ang DPWH na matapos ng mabilis ang iba’t ibang proyekto sa lungsod upang maibsan na ang bahang nagdudulot ng abala. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨