𝗞𝗢𝗡𝗦𝗨𝗟𝗧𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗠𝗘𝗘𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗨𝗦𝗔𝗣𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚-𝗘𝗗𝗨𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗖𝗧 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗬𝗟𝗜𝗦𝗧

Magdaraos ng mga pagpupulong na pangungunahan ng Alliance of Concerned Teachers o ACT Partylist upang matalakay ang mga isyung umiiral sa sektor ng edukasyon.

Kasunod na rin ito ng pagtatalaga ni PBBM sa bagong Kalihim ng Department of Education na si Sen. Sonny Angara matapos ang pagbibitiw ni VP Sara Duterte sa posisyon.

Ayon sa panayam ng IFM Dagupan kay ACT Partylist Representative Congresswoman France Castro, nais ng educational organization na mailatag partikular ang mga kinakaharap ng suliranin sa sektor.

Isa ngayon sa tututukan umano ay kung paano pagpapabutihin ng bagong Kalihim ang K-12 Curriculum na naunang hiniling ng grupo na ioverhold ang naturang kurikula.

Samantala, ilang mga pagbabago sa pamamahala sa sektor ng edukasyon ang inaasahan na ng mga grupo ng kaguruan sa panunungkulan nito bilang bagong DepEd Secretary. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments