𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗖𝗢𝗡𝗧𝗥𝗢𝗟 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗕𝗔𝗢, 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗢 𝗡𝗔

Natapos na ng Department of Public Works and Highways ang River control project sa bahagi ng Aringay River Basin sa Barangay Linapew, Tubao, La Union.

Inaasahang makatutulong ang naturang proyekto na hindi tuluyang umagos ang tubig mula sa Aringay River sa mga agricultural lands at mga kabahayan na malapit dito.

Nasa 48.89 milyon piso ang halagang inilaan para rito sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act. Layon din nitong maprotektahan at mapanatili ang mga agricultural areas sa lugar upang matiyak ang tuloy tuloy ba agri production ng bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments