Inilunsad nito lamang ika-13 ng Enero taong kasalukuyan ang panibagong mga modernized jeepney units sa bayan ng Bautista, Pangasinan.
Kabuuang labing-isang bagong Modernized Public Utility Jeepney (MPUJ) units ng jeep ang inilunsad kung saan ang mga ito ay sa ilalim ng Safeway UV Express Transport Inc.
Pinangunahan ang naturang pagpapasinaya sa mga bagong sasakyang ito ng mga kawani ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board Region 1, mga kawani ng LGU Bautista, mga driver ng sasakyan maging ng mga miyembro ng naturang transport sector.
Dito binigyang awtoridad ang Safeway UV Express Transport Inc. na mangasiwa sa mga nakatalagang ruta nito upang makapagbigay serbisyo sa mga mananakay sa lugar.
Nakatakdang mag-umpisang pumasa ang mga sasakyang ito sa oras na matapos ang lahat ng mga kailangalang dokumento sa pamamasada.
Inaasahan namang makakapagbigay ang mga bagong modernized jeepney sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program ng pamahalaan sa mga mananakay nito ng maayos, moderno, komportable at ligtas na pampublikong sasakyan sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨